LOOK: “Dumadami na ang Ebisdensiya na si Kris ang Pumondo sa Anti-DU30 Blogger Jover Laurio” – Sass

Itong mga nakaraang araw, nagsilabasan ang mga screenshots ng mga pag-uusap umano ng anti-government blogger na si Jover Laurio (Pinoy Ako Blog) at ang dating financial manager ni Kris Aquino na si Nicko Falcis. Ang mga screenshots na ito ay galing sa kapatid mismo ni Nicko na si Attorney Jesus Falcis. Laman ng mga chat conversations ang tungkol sa pagpo-pondo para i-boost ang mga social media posts ni Jover sa Facebook. Ang pag-“boost” ng Facebook posts ay ang pagpapabayad sa Facebook para lalong makarating sa maraming tao ang isang social media post.

Karamihan sa mga bino-boost ni Laurio na mga posts ay mga laban sa mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ilan sa mga binabanatan ni Laurio sa kanyang mga posts ay ang mga pro-government bloggers na sina RJ Nieto aka ThinkingPInoy, Sass Rogando Sasot at si dating Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson.

Lumabas din ang mga screenshots ng viber group chat kung saan magkakasama sina Jover, Niko at si Kris. Ang pangalan ng group chat ay Resibo Group. Mapapansin na aktibo si Kris sa nasabing group.

Ang mga rebelasyon na ito ay hindi tinantanan ng pro-government blogger at Maastricht University lecturer na si Sass Rogando Sasot. Sa kanyang social media account, sinabi nito na dumadami na ang mga ebidensiya na si Kris nga ang pumupondo sa anti-government blogger na si Jover. At dahil si Kris Aquino ay isang product endorser, natanong tuloy ni Sass kung pinapayagan ba ito sa kontrata ni Kris sa mga produktong ine-endorso nito.

“Dear Companies Sponsoring Kris Aquino: There’s mounting evidence that Kris Aquino finances anti-government blog Pinoy Ako Blog. Is this allowed in your contract with her?” sabi ni Sasot.

Ayon naman sa website na GetRealPhilippines (GRP), wala naman daw masama sa pagtanggap ng pondo. Ang masama daw ay ang hindi pagiging tapat ni Jover. Gusto daw ni Jover na lumabas na isang independiyente at walang pinapanigang blogger.

“‘Don’t get me wrong. Accepting funding is not evil’. What is wrong with what Laurio did was she was not transparent about it. She should have informed her readers that her blogs are being sponsored by Kris Aquino. We already know that she is a staunch Aquino and Liberal Party supporter so why hide it? Because Laurio wanted to keep the image of being “independent” before the public as long as possible. She wanted to be perceived as non-partisan, which she definitely is not. She also wanted to keep projecting the image that she is penniless obviously to attract more pity and sponsorship. Another reason Laurio had to keep it a secret is perhaps Kris Aquino didn’t want her name to be associated with her blogs. But one of the screenshots provided by Falcis includes Aquino in a chat group with Laurio. They were cooking up something,” sabi ni Ilda ng GRP.

Habang isinusulat ang blog post na ito ay walang pang sagot ang kampo ni Kris sa isyung ito.

Panoorin ang opinyon ng isa pang blogger patungkol sa kontrobersiya na ito.

Source: Sass Rogando Sasot | Jesus Falcis Blog | GRP

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think